Tayo Muna

Standard

Bilang English/ESL teacher nang hindi naman katagalan pa, at may alam sa, gumagamit, tumatangkilik, at minsan nang nagturo ng Korean language, nais kong ibahagi ang aking saloobin sa dalawang isyung ito kahit wala namang humihingi. Lols πŸ˜‚

Dahil Pilipino ako, hindi ko maintindihan kung bakit hindi na required ang Filipino subject sa college. San ka naman nakakita nun? Isipin mo nga, sa US ba, dahil mahusay na silang mag-slang, di na kailangan ng English subjects pag college? Naglagay nga ang DepEd ng Mother Tongue sa Grades 1-3, tapos feeling ng CHED na-master na ng mga Pilipinong mag-aaral ang Filipino pag natapos nila ang high school?!

Luh, gising ho kayo! Yun ngang may required na Filipino subjects nung college, banong bano pa rin sa wika nila pagka-graduate eh — what makes you think students are better off without it?

Kung mahal nyo ang ibang wika, eh di go. Pag-aralan mo lahat. But do not take away the opportunity from every college student to learn the Filipino language. Tungkulin ng bawat Pilipinong maging matatas sa wika niya, wag kayong ano!

So eto na, alam kong maraming di sasang-ayon sa akin, pero syempre papansin ako eh.

Sa ganang akin, ayos lang na magkaroon ng Korean language elective sa high school. Nasubukan na namin to ng isang school year. Sa una, tuwang tuwa ang mga Kpoppers. Aba naman, sila talaga ang unang unang makikinabang dun. Pero sa dulo, na-appreciate din ng ibang mga bata ang bagong wikang natutunan nila.

Bakit ako payag? Kasi inis na inis ako sa maaarteng pinagsasama ang dalawang lenggwahe, tulad ng English at Filipino, sa isang sentence — parang ganito. Hahaha! πŸ˜‚ Ewan kung sadya, o para tunog mayaman, pasosyal, o kung ano pa man. Tapos puro slang o salitang balbal ang ginagamit pag code switching. Ganun din yung pakiramdam ko sa mga mahilig sa Korean, pero hindi naman nagagamit ng maayos, o puro Korean slang (반말) lang ang alam. Saan ba sila dadalhin ng saulado nilang lyrics? Pag nakipag-usap ba sila sa isang Koreano, maitatawid ba nila ang usapan nang nagkakaintindihan?

Sabi nga, if you can’t beat them, join them. Kung dumadami ang Korean investors sa bansa, baka paraan ito ng gobyerno para i-accommodate sila at iparamdam sa kanila na welcome silang mamuhunan sa Pilipinas. Kung hindi natin mapigilan ang Hallyu sa pag-impluwensya sa ating mga kabataan, baka pwede natin silang tulungang hindi maging ignorante sa mga salitang binibitawan nila.

Kung magiging sarado tayo sa pag-iisip na ang pag-aaral ng ibang wika ay pagtataksil sa ating bayan, paano natin maipagmamalaki ang bansang Pilipinas at ang ating pagka-Pilipino sa paraang maiintindihan ng iba?

Mahal ko ang Filipino, pero mas kaya kong magsulat at magpahayag ng damdamin sa wikang Ingles. Mahal ko ang Filipino, pero nagagamit ko ang ν•œκ΅­μ–΄ sa pakikipag-usap sa mga dati kong estudyanteng naging kaibigan ko na, at sa pag-unawa sa mga bagay na binabasa ko at palabas na pinapanood ko. Investment ko rin ang kaalaman ko sa ibang wika sa larangang kinabibilangan ko.

Nabawasan ba ang pagka-Pilipino ko sa pagtangkilik sa ibang wika? Wika lamang ba ang pamantayan sa pagmamahal sa bayan? Tingin ko hindi.

Kung ikaw na nagbabasa nito ay nagsasabing ayaw mo sa ibang wika, pero ang tawag mo sa pambansang awit ng Pilipinas, na hindi mo rin nga pala saulado, ay Bayang Magiliw, na hindi mo rin nirerespeto dahil tuwing pinapatugtog to ay abala ka pa sa kung anong gawain, at hindi ka rin sumusunod kahit sa pinakasimpleng batas ng bansang Pilipinas na pinapatupad sa barangay nyo katulad ng curfew at wala nang videoke pagkatapos ng 10 ng gabi, hindi ba’t wala rin tayong pinagkaiba?

Ayos lang tangkilikin ang iba, pero bago ang lahat, LOVE YOUR OWN. Bigyan mo muna ng halaga kung sino ka at anong sa ‘yo bago ang sa iba. Pag-aralan mo munang mahalin ang sarili mo bago ang iba, dahil baka naibigay mo na sa kanila ang lahat, at wala nang natira pa para sa ‘yo.

Advertisements

Got something to say?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s