Ang Anak Kong Hindi Mahilig Matulog

Standard

Yung anak ko, marunong nang matulog nang tanghali. Marunong na rin siyang manatiling nakapikit at hindi dumilat agad kapag naalimpungatan. Marunong na siyang kalabanin ang liwanag ng araw para maituloy yung tulog niya. Yung morning at afternoon nap niya, tumatagal na ng higit isang oras. At higit sa lahat, marunong na siyang magpababa.

Siguro nagtataka yung iba — anong klaseng bata ba yung anak ko?

Sabi ng mga magulang ko, nung baby daw ako, hindi ako iyakin, at kung umiyak man, madali lang patahanin, kaya nung nag-maternity leave ako, nag-uwi ako ng raket kasi naisip ko ang haba ng 2 months, imposibleng di ko matrabaho yun. Madali lang naman siguro mag-alaga ng baby; matutulog lang naman siya palagi. 

Pero hindi pala pare-pareho ang mga baby. 😱

Nagkataon na yung binigay sa amin ay yung clingy, iyakin, at hindi mahilig matulog. 😂 Siya yung baby na gustong laging nakadikit sa akin o sa nag-aalaga sa kanya. Siya yung baby na gusto lagi ng atensyon. Siya yung baby na nakakapagod alagaan, kasi nga mahilig siyang maglaro at ayaw niyang matulog. Sa sobrang hirap niyang alagaan, yung pag-ihi at paliligo, pati pagkain, pahirapan pa.

Yung prinsipyo ko sa pag-aalaga ng baby na hayaan sila at wag buhatin pag umiiyak, hindi ko pala magagawa sa anak ko. Kasi ang totoo, hindi siya ganung klaseng bata. Hindi uubra sa kanya yung ganun. Hindi siya katulad ko nung baby ako o ng ibang batang ilapag mo lang sa isang tabi ay ayos na at hindi iiyak.

May mga panahon na pagod na ko at naiinis na at hindi ko na kayang makipaglaro o makipagbolahan sa kanya dahil mainit na ang ulo ko. May mga panahon ding tinatanong ko ang Diyos bakit hindi na lang yung mabait na baby ang binigay sa amin — yung baby na tahimik lang, hindi iyakin, hindi malikot, natutulog sa umaga at hapon, at natutulog ng soooobrang haba sa gabi.

Pero baka nga kasi dahil sa init ng ulo ko kaya siya ang binigay sa akin. Baka ang dami ko kasing oras para sa sarili ko kaya ilaan ko naman daw sa pag-aalaga sa iba. Baka kulang ang pasensya ko kaya habaan ko naman daw ang pisi ko. Baka masyado akong nakatuon sa sarili kong kaalaman kaya puso ko naman daw ang gamitin ko.

Iyakin siya nung maliit, laging nagpapakarga, at malikot hanggang ngayon. Gusto niyang laging nakadikit sa mga tao, laging gumagala o lumalabas, at laging nakakakita ng tao. Kung may girlfriend na high maintenance, si Samsam yung high maintenance baby.

Ang daming pwedeng ikapagod sa batang to. Kung susumahin ko lahat ng hindi ko makita sa anak ko, lahat ng kahinaan at kapintasan niya, mapapagod talaga ako, mabuburyo, at susuko na lang.

Pero pag tiningnan ko kung anong mabuti sa kanya, kung saan siya magaling at anong kalakasan niya, siguradong kaiinggitan ako ng ibang mga nanay na may “mababait” at “hindi iyaking anak.”

Pero syempre, sa susunod na yun. Nagising na siya eh. 😉

Advertisements

Got something to say?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s